Tinawag ni Pangulong Rodrigo Duterte na anarkiya ang pag-okupa ng militanteng grupong Kalipunan ng Damayang Mahihirap o Kadamay sa mga pabahay ng National Housing Authority sa Pandi at San Jose del Monte, Bulacan.
Ayon sa pangulo, kung hindi susunod sa tamang proseso ang mga ito, mapipilitan siyang ipatupad ang batas laban sa kanila.
Hinikayat rin ng pangulo ang kadamay na makipagdayalogo sa pamahalaan upang maayos ang kanilang problema.
Pinaratangan ng kadamay ang Housing and Urban Development Coordinating Council ng pagkabigo na mabigyan sila ng maayos na pabahay.
Tags: Bulacan, makipag-dayalogo, Mga umokupa, NHA, Pres. Duterte