Pinahihintulutan na ng pamahalaan ang mga turistang Pilipino na bumiyahe patungong South Korea subalit bawal pa rin silang magtungo sa mga lugar na may mataas na kaso ng coronavirus infection partikular na sa north Gyeongsang province, Daegu City at Cheongdo County.
Ito ang isa sa napagtibay sa pagpupulong ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases o IATF-EID.
Lahat ng nais bumiyahe patungong South Korea ay kinakailangang pumirma at magsumite ng isang deklarasyon na nauunawaan nila ang panganib sa kanilang kanilang gagawing pagbiyahe.
Mananatili namang ipinagbabawal na makapasok sa bansa ang mga biyaherong galing sa north Gyeongsang Province, Daegu City at Cheongdo County.
Samantala, naghahanda na rin ang Department of Foreign Affairs (DFA) para sa repatriation ng mga Pilipinong nais nang umuwi ng bansa mula sa Macau.
(Rosalie Coz)
Tags: Coronavirus, Covid-19, South Korea