Mga tumatanggap ng social pension for indigent senior citizens, binalaan ng DSWD sa kumakalat na text scam

by Radyo La Verdad | August 18, 2023 (Friday) | 6298

METRO MANILA – Nananatili  sa P500 ang matatanggap ng mga pensioner sa ilalim ng social pension for indigent senior citizens program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ito ang paglilinaw ni DSWD Assistant Secretary Romel Lopez matapos makarating sa kanilang tanggapan ang umano’y nauusong text scam.

Batay sa mensahe, makatatanggap umano ang mga Senior Citizen ng P1,000 kada buwan o P3,000 kada 3 buwan sa kanilang social pension sa ilalim ng National Commission for Senior Citizen (NCSC).

Paalala ng DSWD sa mga Senior Citizen na makakatanggap ng mga mapanlinlang na  text message, makipag-ugnayan lamang sa pinakamalapit na tanggapan ng kagawaran sa kanilang mga lugar.

Ang social pension ay ibinibigay lamang sa mga kwalipikadong senior citizen at kung kabilang sa indigent o mahirap na pamilya.

Sa ngayon ay naghinihintay pa rin ang DSWD na maaprubahan ng Kamara ang pondo para sa P1,000 na monthly pension ng mga Senior Citizen sa ilalim ng 2024 national budget.

(Harry Ilagan | UNTV News)

Tags: , , ,