Mga tsuper na hindi sumusunod sa ₱9 minimum fare, isumbong – DOTr

by Jeck Deocampo | December 19, 2018 (Wednesday) | 35697
FILE PHOTO: PVI/Juvic Capistrano

METRO MANILA, Philippines – Hinikayat ng Department of Transportation (DOTr) ang publiko na isumbong sa kanila ang mga jeepney driver na patuloy pa ring naniningil ng ₱10 minimum na pamasahe.

Kasunod ito ng maraming reklamong natatanggap ng DOTr kaugnay sa hindi pagsunod ng mga driver sa  ₱9 minimum fare.

Matatandaang una nang nagpatupad ng ₱1 provisional fare rollback sa jeep ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) dahil sa patuloy na pagbaba ng presyo ng produktong petrolyo..

Maaring i-text sa LTFRB ang plate number ng abusadong jeepney driver sa pamamagitan ng hotline ng ahensya na 0917-550-1342 at 0998-550-1342.

Tags: , , , , ,