Mga tsismoso at tsismosa, maaaring makatulong sa contact tracing – Mayor Magalong

by Erika Endraca | July 23, 2020 (Thursday) | 2981

Baguio, City – May potensyal na magamit sa mabilis na sistema ng contact tracing ang mga tsismoso at tsismosa, ngunit depende ito sa impormasyong ikinakalat, ito ang pahayag ni Contact Tracing Czar Benjamin Magalong.

“It’s a matter of how are you handle the information that is being provided to you siguro nakakatulong din minsan maraming may upside, downside ng mga tsismosa o tsismoso its just a matter of how you classify yung mga information na makukuha.” ani Contact Tracing Czar Mayor Benjie Magalong.

Matatandaang humihingi ng tulong ang ang isang Police Regional Office sa Cebu sa mga tsismoso at tsismosa upang mapabilis ang isinasagawang contact tracing sa lugar na isang hakbang sa pagsugpo sa pagkalat ng CoronaVirus Disease.

Ang istratehiyang ito ay ginanamit din ng ilang mga opisyal sa Bulacan upang sa pagpapabilis ng pagkalap ng impormasyon o contact tracing sa mga posibleng nahawa at positibo sa sakit

Sa huli, iginiit pa rin ni Magalong na nasa kamay pa rin mga law enforcers at health workers ang pagtukoy ng tamang impormasyon at datos kaugnay ng contact tracing sa kanikanyang lugar

“Let us leave it to our law enforcers and health worker to determine kung alin ang totoo o hindi” ani Contact Tracing Czar Mayor Benjie Magalong.

(Grace Doctolero | UNTV News)

Tags: ,