Mga transport network company gaya ng Uber at Grab Car, hindi pa rin nagpapa accredit hanggang ngayon sa LTFRB

by Radyo La Verdad | June 10, 2015 (Wednesday) | 1015

LTFRB
Maituturing pa ring colorum ang mga application o app based transportation company gaya ng Uber at Grab Car dahil hanggang sa ngayon ay hindi pa rin accredited ang mga ito sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB.

Ayon sa LTFRB, kaya naman nilang ma i-release sa loob ng tatlong araw ang accreditation kung susunod lamang ang mga ito sa proseso.

Sampung libong piso ang halaga ng babayaran ng mga app based transportation company upang makapag-operate bukod pa dito ang babayarang 550 pesos para sa prangkisa ng bawat gagamiting sasakyan.

Kapag nakapag apply sila ay agad namang mabibigyan ng apat hanggang limang araw na provisional authority upang makapag operate habang pino-proseso ang kanilang prangkisa.

Nagbabala naman ang LTFRB sa mga gustong pumasok sa negosyo ng app based transport service na mag-ingat sa pag-hire ng driver.

Isa sa mga Uber operator ang nabiktima ng carnapping matapos itakbo ng na kinuhang driver ang bagong bili niyang sasakyan.

Tags: