Mga transport group sa Pampanga, nakiisa sa tigil-pasada ngayong araw

by Radyo La Verdad | October 17, 2017 (Tuesday) | 3867

Nagpakita ng pwersa kanina ang mga samahan ng tsuper at operator sa Pampanga sa City of San Fernando, ito at upang mariing tutulan ang programa ng pamahalaan gawing moderno mga lumang public utility jeepneys.

Si Mang Jun na tatlumpung taon nang namamasada ay sumama sa tigil-pasada.

Aniya, malaking hamon sa kanila ang planong ito ng Department of Transportation dahil wala silang mapagkukunan ng pambili ng bagong unit ng jeep.

Para sa kanya, mas mainam na tulungan na sila ng pamahalaan na i-rehabilitate ang kanilang mga sasakyan kaysa tuluyan silang alisin sa kalsada.

Hindi gaya ng isinagawang transport strike kahapon ng grupo na mas madaming jeepney ang nakilahok sa tigil-pasada ngayong araw at naramdaman ito ng mga commuter.

Ayon sa NO to Jeepney Phase-out Coalition, umaabot sa sampung libong jeep ang nakilahok sa tigil-pasada.

Bilang ayuda sa mga commuter na naapektuhan ng transport strike, nagdeploy ang lokal na pamahalaan ng mga libreng sakay.

 

( Leslie Huidem / UNTV Correspondent )

 

 

Tags: , ,