Mga TNVS makikipagdayalogo sa LTFRB hinggil sa kanilang mga reklamo ukol sa pagkuha ng prangkisa

by Radyo La Verdad | July 9, 2019 (Tuesday) | 25500

Matapos ang isinagawang tigil-pasada kahapon, ipapatawag naman ngayong araw ng Land Transportation Franchising and Regulatory board ang mga driver at operator ng Transport Network Vehicle Service (TNVS).

Kaugnay ito ng isasagawang dayalogo mamaya ng LTRB sa mga ito, sa pangunguna ni chairman Martin Delgra upang alamin ang reklamo ng mga TNVS sa proseso ng aplikasyon ng prangkisa.

Kabilang sa inaasahang mapaguusapan ang anila’y mga bagong requirements na hinihingi ng LTFRB dahil upang magpabalik-balik at matagalan ang pagkuha nila ng Certificate of Public Convenience at Provisional Authority.

Isa rin sa idudulog ng mga TNVS ang pagpapatigil ng hulihan sa mga driver na bumibiyahe na wala pa ring PA at CPC.

Maging isyu ng transition period sa mga hatchback ay isa rin sa agenda na kanilang iaapela sa LTFRB.

Isasagawa ang dayalogo mamayang alas tres y medya ng hapon sa opisina ng LTFRB sa East Avenue Quezon City.

Kahapon, ipinagpaliban muna ng mga nagprotestang TNVS ang paghahain ng reklamo sa Office of the Ombudsman laban kay LTFRB Chairman Delgra.

Ayon sa kanila, hihintayin muna nila ang resulta ng dayalogo at titingnan kung papabor sa kanila ang mga mapag-uusapan.

Pagkatapos nito ay saka nila muling pag-iisipan kung itutuloy ang paghahain ng reklamo laban sa opisyal.

(Joan Nano | UNTV News)

Tags: , ,