Mga TNVS driver at PNP-HPG, nagsanib pwersa kontra krimen

by Radyo La Verdad | September 27, 2017 (Wednesday) | 2949

Sampung kaso na ang naitatala ng PNP Highway Patrol Group na ginagamit ang Transport Network Vehicle Service bilang drug courier.  Isa na rito si Jovit Atillano na naaresto ng PDEA noong September 19 sa isang condominium unit.

TNVS rin ang ginamit ng suspek sa pagpapadala ng bomba sa Quiapo noong Mayo na ikinamatay ng dalawa at ikinasugat ng anim na iba pa.

Sa pamamagitan rin ng serbisyo ng TNVS, ipinadala ang gamit ng hazing victim na si Horacio Castillo,

Dahil dito, isang kasunduan ang pinasok ng HPG at Grab upang mapigilan pa ang mga ganitong pangyayari.

Isasailalim sa training ng HPG ang mga TNVS driver upang matuto hinggil sa anti-criminality, pagresponde sa aksidente sa kalsada at road courtesy and traffic and safety laws.

Nagpaalala naman ang Grab sa kanilang mga partner driver na maging maingat sa pagtanggap ng mga package na ipinapadala.

Ang seminar ay gagawin isang beses isang linggo sa training center ng HPG.

 

( Mon Jocson / UNTV Correspondent )

 

 

 

 

Tags: , ,