Mga taxpayer, dagsa ngayon sa mga regional office ng BIR para sa huling araw ng pag-file ng ITR

by dennis | April 15, 2015 (Wednesday) | 1837

ITR

Dagsa pa rin ang mga taxpayer sa mga regional office ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ngayong huling araw ng paghahain ng income tax return (ITR).

Mamayang ala-5:00 ng hapon ay magsasara na ang revenue district offices ng BIR kaya’t pinapayuhan ang mga ‘no payment return’ tax payers na humabol at magsadya sa mga RDO ng BIR upang makapag-hain ng kani-kanilang ITR.

Ito ay upang maiwasan na rin ng mga taxpayer na magbayad ng multa na nagkakahalaga ng isang libong biso, dagdag pa rito ang 25% surcharge na kokolektahin sa susunod na pagbabayad ng buwis

Samantala, nanggaling sa BIR Revenue Region no.7 sa Quezon City si Commissioner Kim Henares upang magsagawa ng inspeksyon para i-monitor ang kalagayan ng mga taxpayer maging ang mga transaksyon sa mga revenue office ng BIR

Nag-inspeksyon na rin ito sa Makati at Caloocan City at ngayong hapon ay tumuloy si Henares sa online filing center sa mismong national office ng BIR.(Aiko Miguel/UNTV Radio Correspondent)

Tags: , , ,