Kasunod ng pronouncement ni President-elect Rodrigo Duterte na kailangang sumailalim sa drug testing ang lahat ng mga pulis.
21 tauhan ng Philippine National Police Maritime Group kabilang ang kanilang director na si PCSupt. Efren Perez ang sumailalim sa surprise at random drug test ngayong araw.
Ayon kay Gen.Perez, may mga sumbong na nakararating sa kanya na may mga gumagamit ng ipinagbabawal na gamot sa kanyang mga tauhan.
Babala nito sa mga tauhan na magpo-positibo sa ipinagbabawal na gamot, magbago na ngayon pa lamang upang hindi mawalan ng trabaho.
Dagdag pa ng heneral, importanteng hindi gumagamit ng ipinagbabawal na gamot ang kanyang mga tauhan dahil ang mga ito rin ang nagbabantay sa mga coastal area na aniyay sinasamantala ng mga sindikato upang makapagpasok ng illegal drugs sa bansa.
Batay sa inilabas na datos ng PNP, nasa 1,075 na mga pulis na ang sumailalim sa drug test simula noong May 10 hanggang noong a-otso ng Hunyo.
(Lea Ylagan / UNTV Correspondent)