Mga tauhan ng PNP-Anti Illegal Drugs Group at Anti-Kidnapping Group, ire-reshuffle

by Radyo La Verdad | January 26, 2017 (Thursday) | 868


Sisimulan nang linisin ni Philippine National Police Chief PDG Ronald “Bato” Dela Rosa ang mga tauhan at opisyal ng PNP-Anti-Illegal Drugs Group at Anti-Kidnapping Group.

Aniya, nais niyang siguraduhin na walang bahid ng ano mang anomalya ang mamumuno maging ang mga tauhan nito.

Importante din aniya na may disiplina, pagmamahal sa trabaho at dedikasyon sa paglilingkod ang mga ito upang hindi masilaw sa ano mang halaga ng pera.

Una nang sinabi ni AIDG Director PSSupt. Albert Ferro na nagsasagawa na sila ng character audit sa kanilang hanay upang hindi na malusutan ng mga scalawag tulad ng grupo ni SPO3 Ricky Sta.Isabel.

Samantala, kinumpirma din ni Chief PNP na hindi rin pinayagan ng pangulo na magresign bilang hepe ng AIDG si Col. Ferro.

Ang internal cleansing sa hanay ng PNP ay bunsod na rin ng pagkakasangkot ng ilang tauhan ng AIDG sa Jee Ick Joo kidnap-slay at ang mabagal na pag-iimbestiga ng akg sa kaso sa ilalim ng dati nitong pinuno.

(Lea Ylagan / UNTV Correspondent)

Tags: ,