Mga tauhan ng Phil. Navy, inalis muna sa pwesto kaugnay ng imbestigasyon sa pagkamatay ng 2 Vietnamese fisherman

by Radyo La Verdad | September 26, 2017 (Tuesday) | 2762

Iniimbestigahan na ng Philippine Coastguard kung nagkaroon ba ng paggamit ng labis na pwersa ang kanilang mga tauhan sa pagtugis sa fishing vessel ng Vietnamese fishermen.

Nahuli ang mga ito na iligal na nangingisda sa karagatang sakop ng Bolinao, Pangasinan noong Sabado, September  23.

Tinangka umanong makipag-ugnayan sa mga ito ng navy sa pamamagitan ng radyo ngunit tumakas ang mga ito.

Nagpaputok umano sila ng warning shots at hinabol ang fishing vessel at ng maabutan ang mga ito ay tumambad sa kanila ang dalawang wala ng buhay na Vietnamese fishermen.

Sa ngayon ay under restriction ang mga miyembro ng Phil. Navy na sangkot sa insidente habang ni-relieve naman ang commander ng mga ito.

Tiniyak naman ng Malakanyang at ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano ang patas at malalimang imbestigasyon sa pagkamatay ng dalawang Vietnamese fishermen.

Sa ngayon, nasa pangangasiwa na ng Phil. Coast Guard ang lima pang mangingisdang Vietnamese.

Pinuntahan naman noong Linggo ng gabi ng embassy officials ang dalawang mangingisdang nasawi upang ayusin ang pagpapabalik ng mga ito sa kanilang bansa.

 

( Bryan Lacanlale / UNTV Correspondent )

 

 

Tags: , ,