Mga tauhan ng Ombudsman na di makikiisa sa imbestigasyon ng bubuuing Independent Body, ipaaresto ni Pangulong Duterte

by Radyo La Verdad | October 2, 2017 (Monday) | 2418

Matapos na sabihin ng Office of the Ombudsman sa isang statement noong Biyernes na hindi ito magpapasindak sa plano ni Pangulong Rodrigo Duterte na imbestigahan ang umano’y kanilang mga katiwalian.

Sinabi ng Pangulo sa isang interview sa State Run Television Station na PTV 4 na ipapaaresto niya ang sinomang tauhan ng opisina ng tanod-bayan.

Ito ay kung hindi makikiisa ang mga ito sa imbestigasyong isasagawa ng kanyang  bubuing Presidential Commission.

Maghahain aniya ang punong ehekutibo ng summons sa korte at kung di makikipagkaisa ang mga sangkot na kawani ng ombudsman ay ipaaresto niya ang mga ito.

Iginit ni Pangulong Duterte na hindi ito diktadura kundi pagpapatupad ng hustisya sa lahat.

Una nang inihayag ng Pangulo na tanging mga oposisyon ng nakalipas na administrasyon ang iniimbestigahan nito at di mga ka-partido ng nagluklok sa kasalukuyang Ombudsman.

Ayon kay Pangulong Duterte, bukod sa kaniya, mismong mga tauhan ng militar at pulisya na sinampahan ng reklamo ang nakaranas kikilan ng ilang mga tauhan ng Ombudsman.

Hinikayat niya ang mga ito na magbigay ng kanilang affidavit upang makatulong sa imbestigasyon.

 

( Rosalie Coz / UNTV Correspondent )

Tags: ,