Patuloy na pinaghahanap ng mga tauhan ng Department of Health o DOH ang ilan pang nagkaroon ng close contact sa dayuhang nagpositibo sa Middle East Respiratory Syndrome Corona Virus o MERSCOV kamakailan.
Sa ulat ng DOH, may walong nakaugnayan ang nasabing dayuhan, pito sa mga ito ay isinailalim na sa home quarantine habang ang isa ay naka confine na rin sa Research Institute for Tropical Medicine o RITM.
Ayon kay Presidential Spokesperson Edwin Lacierda, stable na ang kalagayan ng pasyenteng dayuhan na kasalukuyang nagpapagaling sa RITM.
Nauna nang nagpahayag ang malacanang na patuloy ang isinasagawang infection prevention protocols ng DOH para mapigilang makapasok sa bansa ang nakakamamatay na sakit.(Jerico Albano/UNTV Radio Correspondent)