Mga suspek sa Tunisia attack, iniimbestihagan na

by monaliza | March 20, 2015 (Friday) | 1604
Isang sugatang turista ang isinakay sa stretcher matapos madamay sa naganap na pag-atake sa isang museum sa Tunisia (Reuters)
Isang sugatang turista ang isinakay sa stretcher matapos madamay sa naganap na pag-atake sa isang museum sa Tunisia (Reuters)

Iniimbestigahan ngayon ng mga otoridad sa Tunisia ang siyam na suspek na nasa kanilang kustodiya na hinihinalang responsable sa pag-atake sa loob ng isang national museum na ikinasawi ng 23 na katao kung saan 20 dito ay mga turista.

Malaki ang paniniwala ng mga otoridad na ang mga suspek ay mga miyembro ng Islamic state.

Sa ulat ng CNN, inako umano ng teroristang grupong ISIS ang pag-atake sa Bardo Museum sa bayan ng Tunis. Isang audio message ang ipinost ng ISIS sa isang website pero bineberipika pa ng mga otoridad ang authenticity ng audio recording.

Apat na mga suspek ang kanila ng ikinulong matapos na makilala na direktang sangkot sa madugong pang-aatake.
Nakakalat na ang mga sundalo sa mga ibat-ibang pangunahing siyudad sa Tunisia.

Tags: , , , ,