Mga suspect at probable case ng COVID-19 na tatangging sumailalim sa COVID-19 testing, may kaakibat na parusa – DOH

by Erika Endraca | August 25, 2020 (Tuesday) | 6870

METRO MANILA – Nagbabahay- bahay na ang Department Of Health (DOH) at mga Local Government Unit (LGU) para sa testing, tracing at treatment ng mga suspect, probabale at confirmed cases ng COVID-19

Bahagi ito ng pinaigiting na stratehiya ng pamahalaan o ang coordinated operations to defeat pandemic o code .

Ayon sa DOH, may pananagutan ang mga indibidwal na tumangging sumailalim sa COVID-19 testing

“Ibig sabihin you were identified to be exposed or you have symptoms. Ito ang ginagawa natin ngayon na active surveillance na kasama sa atinh code strategy  where we go house to house sa mga brgy natin to identify at tinitignan natin sa bawa’t bahay kung sino ang may sintomas or kung sino ang may exposure o may sintomas and then we test, we swab ani DOH  Spokesperson, Usec Maria Rosario Vergeire.

Babala ng DOH, may katumbas itong parusa dahil maaaring makapanghawa ng maraming tao kapag hindi nagpasuri lalo na ang isang kabilang sa mga suspect o probable case

“Kapag kayo po ay pinuntahan at swinab at tumanggi kayo meron ho kayong sanction beause it is based on the law ON RA, iyong ating mandaory reporting of notifaibale disease and health events of public health concern kung saan may provision dyan. penalities ito ano na pwedng magkaron ng fine na pera at mayroon ding imprisonment” ani DOH  Spokesperson, Usec Maria Rosario Vergeire.

Dagdag pa ng DOH, tulong na sa pamahalaan at sa medical community ng 1 may exposure sa COVID-19 positive kapag ito ay nakapag- isolate agad habang naghihintay pa ng resulta ng swab test

Samantala 4, 686 ang nadagdag na COVID-19 cases kahapon kung saan mahigit 2,000 rito ay mula sa Metro Manila.

Umabot naman sa 59,200 ang active cases sa bansa , sa tala ng DOH, ang kabuoang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas ay 194, 252 na , 91.5% dito ang mga mild cases, 3,010 naman ang nasawi sa sakit habang 132, 042 naman ang gumaing na sa covid-19 sa bansa

Aiko Miguel | UNTV News

Tags: ,