Mga sundalong mahilig mangutang, ise-seminar ng AFP

by Radyo La Verdad | June 18, 2018 (Monday) | 4862

Isasailalim ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa seminar ang mga sundalo na mahilig mangutang.

Ayon kay AFP Spokesperson Marine Col . Edgard Arevalo, base sa direkriba ni AFP Chief of Staff Gen. Carlito Galvez Jr., dapat ay hindi bababa ang sa 15,000 piso ang take home pay ng mga sundalo.

Paliwanag ni Arevalo, ito ang minimum na halaga para makapamuhay ng disente ang isang sundalo at hindi papayagan ang pagkaltas ng bayad-utang kung bababa sa halagang ito ang matitirang take-home pay.

Pero bukod aniya sa limit na pwedeng magkaltas ng loan amortizations, iseseminar din ng AFP ang mga sundalo para hindi sila utang ng utang.

Ayon kay Arevalo, holistic approach ang ginagawa ng AFP para hindi mabalewala ang pagdoble ng sahod ng mga sundalo at mapunta lang sa bayad utang.

Magugunitang unang nabunyag ang problema ng ilang mga pulis na halos wala nang natira sa kanilang sweldo dahil sa labis na kaltas sa tambak nilang utang.

Binigyang-diin ni Arevalo na kailangan matuto din ang mga sundalo ng tamang pag-manage ng pera para hindi sila mamihasa sa palagiang pag-utang, nang hindi iniintindi ang kanilang kakayahang magbayad.

 

( Lea Ylagan / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,