Mga sundalo at pulis, ganadong mag-perform sa Songs for Heroes 3 dahil sa kabayanihan ng mga nakipaglaban sa Marawi

by Radyo La Verdad | October 30, 2017 (Monday) | 2235

Puspusan na ang pag-eensayo ng mga sundalo at pulis na nakatakdang mag-perform sa Songs for Heroes 3 sa Mall of Asia Arena bukas ng gabi. Excited ang lahat ng magtatanghal dahil sa napapanahong benefit concert na alay sa mga bayaning nakipaglaban sa Marawi.

Ikalawang pagkakataon na ni Lt. Lady Chaterli Sumbeling ng Philippine Navy na makapagtanghal sa Songs for Heroes 3. Kumpara sa Songs for Heroes 2, mas mahalaga para kay Lt. Sumbeling ang concert na ito lalo na at isa sa mga nasawi sa giyera sa Marawi ay ang kaniyang kaklase na si Capt. Rommel Sandoval.

Si Capt. Sandoval ang commander ng 11th Scout Ranger Company na nasawi upang iligtas ang kaniyang sugatan na kasamahan sa Marawi. Bukod sa kabayinahan, hindi malilimutan ni Lt.Sumbeling ang mga artwork ni Sandoval dahil mahilig itong magpinta.

Pangalawang beses na rin ni SPO1 Norman Wileman na maging bahagi ng Songs for Heroes. Lubos niyang pinaghandaan ang performance niya bukas na kaniyang iniaalay sa mga nag buwis ng buhay para sa bayan.

Bukod sa kantahan, mapapasabak rin sa sayawan ang mga sundalo at pulis, magtatanghal rin ang choir ng AFP at PNP. Sa kabila ng napaka-busy na schedule ng mga sundalo at pulis ay ginawan nila ng paraan na makapag-ensayo para sa Songs for Heroes 3.

Alay ng mga magtatanghal ang kanilang talento para sa mga kaanak ng lahat ng mga lumaban para sa Marawi kasama na ang mga sugatan at nasawi.

 

( Mon Jocson / UNTV Correspondent )

Tags: , ,