Mga sumbong hinggil sa vote buying, masusing sasalain ng Commission on Elections

by Radyo La Verdad | May 7, 2018 (Monday) | 4377

Hindi basta-basta tatanggapin ng Commission on Elections (Comelec) ang sumbong ng vote buying laban sa mga kumakandidato para sa darating na bangangay at Sanguniang Kabataan elections.

Kadalasan anila, tuwing eleskyon ay lumalaganap ang ganitong sumbong sa social media pero hindi naman napatutunayan sa imbestigasyon. Ngunit hindi anila, dapat maging kampante ang mga kumakandidato.

Ayon sa Comelec, marami umanong kandidato ang nadiskwalipika dahil sa pagbili ng boto na dumaan sa masusing imbestigasyon na may kasamang video ng mismong nangayayaring vote buying.

Nanawagan naman ang poll body sa pulitiko na i-report sa otoridad ang anomang paglabag na makikita nila sa mismong araw ng halalan at huwag ng subukan isailalim sa citizens arrest.

Sa ilalim ng Omnibus Election code, ikinokonsiderang election offense ang vote-buying o vote-selling.

Ipinagbabawal ang pagbibigay, pag-aalok o pangangakong pera o anomang bagay na may halaga, posisyon sa pamahalaan at anomang katulad nito ng sinoman upang mahikayat ang mga ito na iboto o huwag iboto ang sinoman.

Ang sinomang mapatunayang lumabag dito ay maaring makulong ng isa hanggang anim na taon, o di kaya naman ay madisqualify sa pagtakbo sa anomang posisyon sa pamahalaan at hindi maaring makaboto.

 

( Grace Casin / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,