Mga sugatan sa magkahiwalay na away sa Iloilo City, tinulungan ng UNTV News and Rescue Team

by Radyo La Verdad | January 2, 2018 (Tuesday) | 7268

Sugatan ang tatlong kalalakihan matapos mag-away sa Molo, Iloilo City, pasado alas diyes kagabi. Nagtamo ng sugat sa kaliwang balikat ang bente uno anyos na si Jervin Versoza

Ang kasama naman nito na si Jaymark Jayoso, 23 taong gulang ay may sugat sa ulo at likod. Habang ang kaalitan nila na si Russel Calusio, bente sais anyos ay may sugat rin sa ulo at kanang binti.

Hindi na nagpadala pa sa ospital ang tatlo matapos lapatan ng pang unang lunas ng UNTV News and Rescue Team. Sa halip ay inimbitahan na lamang ng mga pulis para sa imbestigasyon.

Biktima naman ng pambubugbog ang tinulungan ng UNTV News and Rescue Team sa Manduriao Police Station sa Iloilo. Putok naman ang mukha ni Christian dela Cruz matapos umanong pagtulungan syang bugbugin ng mga hindi nya nakilalang kalalakihan. Pagkatapos bigyan ng first aid ay inihatid na ng UNTV Rescue si dela Cruz sa Western Visayas Medical Center.

Samantala, sugatan naman ang dalawang sakay ng motorsiklo matapos bumangga sa tricycle sa Nuñez Extension, Zamboanga City pasado alas dies kagabi.

Nagtamo ng  sugat sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang mga biktima na sina Mark Lawrence Amigo, 32 taong gulang at Joel Rabusa, 30 taon gulang na kapwa taga Putik, Zamboanga City.

Kwento ng mga biktima, pauwi na sana sila sa kanilang bahay nang biglang may tumawid na tricycle sa kalsada. Hindi na sila nakapagpreno at bumangga sa tricycle.

Pagkatapos na mabigyan ng first aid, ay tumanggi na ang mga itong magpadala sa ospital sa halip ay nagkasundo na lamang na mag-areglo.

 

( Dante Amento / UNTV Correspondent )

Tags: , ,