Mga SSS members na nasalanta ng bagyong Lando, makakakuha na ng calamity assistance

by Radyo La Verdad | October 22, 2015 (Thursday) | 1383

IMAGE_10102013_untv-news_SSS
Isang calamity relief package ang maaring ma-avail ng mga miyembro pensioners ng Social Security System o SSS na nasalanta ng bagyong Lando.

Nakapaloob sa calamity relief package ang salary loan early renewal program kung saan papayagan ang miyembro na mag-renew ng kanilang salary loan nang mas maaga kaysa sa scheduled date.

Maaari ring makakuha ng loan sa ilalim ng SSS direct house repair and improvement loan program na may anim na porsyentong interes.

Maaari ring kumuha ng tatlong buwan pension ang mga sss pensioners na nasalanta sa ilalim ng SSS at employees compensation program.

Nag ooffer rin ang SSS ng housing repair loan na tatagal ng 10 taon.

Ngunit nilinaw ng SSS na tanging mga nakatira lamang sa mga lugar na isinailalim ng NDRRMC sa state of calamity ang makakapag-avail ng calamity assistance.

Maaring magsumite ng aplikasyon para sa mga loan simula October 26 hanggang Dec 31 2015 sa alinmang SSS branch office sa buong bansa.(Darlene Basingan/UNTV Correspondent)

Tags: ,