Mga sirang bahay at pananim, iniwan ni Super Typhoon Lawin sa Isabela

by Radyo La Verdad | October 20, 2016 (Thursday) | 5445

14591658_860665860700892_3076670680318341451_n
Nagsasagawa na ng clearing operations ang DPWH at Local Government Units sa Isabela matapos manalasa ang Super Typhoon Lawin.

Kahit malalaking puno ang hindi nakayagal sa lakas ng hangin ni Lawin.

Kasama ang isabela sa mga lugar na nakataas ang signal number 5 kagabi.

Umabot sa 225kph ang maximum sustained winds ni Lawin kaya’t nagkabalibali din maging ang mga pananim na saging habang sumapad o dumapa ang mga palay na nakasapaw na ang butil.

Ang ibang mga poste ng ibang gasoline station ay bumigay din.

Sa paglalakbay ng UNTV News kagabi ay nakahambalang ang mga puno at kawad ng kuryente sa kalsada.

Karamihan din sa mga bayan ng isabela ay walang supply ng kuryente.

Sa ngayon ay nagsasagawa na ng assesent ang ocd at da sa naging pinsala ng Bagyong Lawin sa lalawigan.

(Rey Pelayo / UNTV Correspondent)

Tags: , ,