Mga senador, iginiit na hindi maaaring solohin ng Kamara ang pag-amyenda sa konstitusyon

by Radyo La Verdad | January 24, 2018 (Wednesday) | 4314

Hindi papayag ang mayorya ng mga senador na solohin ng mababang kapulungan ng Kongreso ang pag-amyenda sa konstitusyon.

Ayon sa ilang senador, labag sa konstitusyon ang planong ito ng liderato ng Kamara. Sinabi ni Sen. Franklin Drilon, ang pagpalit ng pangalan ng kalsada ay kailanganang approval ng Senado lalo na kung papalitan ang Saligang Batas.

Ayon naman sa chairman ng Senate Committee on Constitutional Amendments and Revision of Codes na si Senator Francis Pangilinan, hindi dapat minamadali ang pagpapalit ng Saligang Batas. Dapat daw gawin ito sa maayos at idaan sa ligal na paraan.

Una ring sinabi ni Senate President Koko Pimentel na idadaan pa rin nila sa proseso ang pag-amiyenda sa konstitusyon kahit na walang constituent assembly na mangyayari.

Matapos ito na sabihin ng liderato ng Kamara hindi na magko-convene bilang Con-ass para sa pagpapalit ng kasalukuyang konstitusyon.

Nanindigan din ang liderato ng mababang kapulungan ng Kongreso na kaya nilang tapusin ang panukalang pederalismo kahit wala ang Senado.

 

( Nel Maribojoc / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,