Mga School supplies na nagtataglay ng mapanganib na kemikal, natuklasang ibinebenta sa ilang pamilihan

by Radyo La Verdad | May 31, 2019 (Friday) | 11082
(C) Eco Waste Coalition

Manila, Philippines – Nagbabala ang grupong Ecowaste Coalition sa mga magulang na mag-ingat at maging mapanuri sa pagbili ng mga school supplies na ibinebenta sa Divisoria.

Sa pagiikot ng grupo sa ilang pamilihan sa Quiapo, Maynila, Makati at Divisoria.

Natuklasang ibinebenta umano ang ilang school supplies na may nakalalasong kemikal o sangkap.

Mula sa 85 items na kanilang nasuri 34 sa mga ito ang nagtataglay ng mataas na content ng lead at cadmium.

Ilan sa mga ito ang bag, crayola, water color, baunan ng tubig at bag tag. Ito ang mga ginamitan ng matitingkad na pintura. Ayon sa Ecowaste, lubhang delikado sa kalusugan ang kemikal na taglay ng mga ito.

 “for example dun sa lead kung pintura ito may pagkakataon na mababakbak ito, hawak hawak ng mga anak natin sumama duon sa kanilang mga kamay kumain sila so ingestion na kaagad sa ganong pagkakataon maeexpose talaga ang ating mga anak” ani Ecowaste Coalition Chemical Safety Campaigner, Thony Dizon.

Base sa datos ng World Health Organization (WHO), ang lead at cadmium ay kabilang sa top 10 chemicals of major public health concern. Kaya nitong sirain ang nuerological, gastro-intestinal, cardiovascular at iba pang sistema ng ating katawan.

Samantala, isusumite ng Ecowaste Coaltion ang mga naturang item sa Food and Drug Administration (FDA) upang himukin sila na mag inspeksyon sa ilang pamilihan at kumpiskahin ang mga ganoong produkto.

(Joan Nano | Untv News)

Tags: , ,