Muling hiniling ang mga school bus operator sa LTFRB na ipagpaliban ang pag phase out sa mga lumang school service.
Nauna ng ipinagpaliban ng LTFRB ang phase out sa mga lumang school service at sa halip ay nagbigay pa ito ng isang taong palugit upang makapagpalit ng bagong unit ang mga operator.
Ayon sa Alliance of Concerned Transport Operators o ACTO, hindi pa lahat ay nakabili ng bagong sasakyan kaya nais nilang ipagpaliban ang gagawing phase out sa mga lumang school service.
Sa tala ng LTFRB, sa Metro Manila lamang, mayroong mahigit anim na libong rehistradong school service at halos dalawang libo sa mga ito ay mahigit ng labing limang taon ang serbisyo.
Nanindigan naman ang LTFRB na huling pagkakataon na ang binigay nilang palugit sa mga operator noong isang taon.
(UNTV NEWS)