Isa sa nakakadagdag ng traffic sa Taiwan ay iyong mga nakahambalang na mga sasakyan sa mga bus stops. Dahilan kung kaya minsan ay kung saan-saan na lang nagbababa ang mga bus ng pasahero dahil may nakaharang na sasakyan sa babaan at sakayan ng mga tao. Minsan, nadedelay ang pagbaba ng mga pasahero dahil hindi agad makahinto ng maayos ang bus.
Dahil dito ay tataasan na ang multa ng mga driver na magpaparada ng kanilang sasakyan, sampung metro ang layo mula sa mga designated bus stops ayon sa Taiwan Ministry of Transportation and Communications.
Kung dati ang multa ay 600 to 900 Taiwan dollars lang o 1,000 to 1,500 pesos, sa bagong patakaran, magiging 900 dollars o 1,500 pesos kung ang mahuhuli ay motorsilo at 1,200 Taiwan dollars o 2,000 pesos kung iba pang sasakyan.
Kung tutuusin, nabansagan na nga ang Taiwan na traffic hazard. Kapansin-pansin na halos nakaparada na ang mga taxi sa mga bus stops. Ang ibang tour bus, pumaparada sa mga pedestrian lanes at kahit pa may pedestrian crossing, madalas pa rin ang mga private drivers na diretso sa pag-andar.
Marami dito ang tinatawag na “me-first” drivers dahil gusto nila na sila lang ang mauuna. Kaya noong 2012, umabot sa 2,040 ang record ng mga nasawi dahil lang sa hindi pagsunod sa traffic.
Kaya ang bagong fine system sa mga nagpapark o tumetengga sa mga bus stops ay ipatutupad sa susunod month.
( Amiel Pascual / UNTV Correspondent )