Mga sasakyang naka-impound sa bakuran ng LTO, ililipat na sa Tarlac simula sa August 8

by Radyo La Verdad | August 4, 2016 (Thursday) | 1486

JOAN_IMPOUND
Simula sa Lunes, August 8, uumpisahan na ng Land Transportation Office ang paglilipat sa daan-daang sasakayan na kasalukuyang naka-impound sa loob ng kanilang central office dito sa Quezon City.

Ililipat ang naturang mga sasakyan sa isang impounding area sa San Sebastian, Tarlac na may lawak na isang ektarya at pag-aari ng pamahalaan.

Dagdag pa ng LTO, ang mga sasakyan na hindi pa rin natutubos sa loob ng anim na buwan ay isasama na sa auction.

Nilinaw rin ng ahensya na tataasan nila ang halaga ng penalty, dahil mangangailangan ng karagdagang gastos sa pagdadala ng mga sasakyan sa Tarlac.

Itinanggi naman ng LTO na isang paraan ito upang pagkakitaan ang mga motoristang may paglabag, sa halip ito ay pagdidisiplina at solusyon upang maibsan ang matinding traffic sa Metro Manila.

(Joan Nano / UNTV Correspondent)

Tags: , ,