Simula sa susunod na linggo, lahat ng sasakyan na kailangang ma-impound ay ipapadala ng Department of Transportation sa Tarlac City.
Ayon sa DOTr, nais nilang pahirapan ang mga motoristang nakalalabag sa batas trapiko upang madala at huwag ng umulit.
Isang one hectare na lupa sa Tarlac na pagmamay-ari ng Land Transportation Office ang gagamitin bilang impounding area sa mga sasakyan.
Nais ni DOTr Secretary Art Tugade na maayos agad ang impounding area sa loob ng pitong araw.
Plano rin ng DOTr na taasan pa ang penalty lalo na at mangangailangan ng malaking gastos sa pagdadala ng mga sasakyan sa Tarlac City.
Magbibigay naman ng kaunting pataan ang DOTr, kung nais i-settle agad ng nakalabag ang multa ay pwede na ito agad bayaran upang hindi na madala sa Tarlac ang kanyang sasakyan.
Nilinaw ng DOTr na hindi pa ito epektibo sa mga mahuhuli ng MMDA subalit kasalukuyan na silang nakikipagusap sa MMDA upang maipatupad na rin ito.
Sa ngayon tambak ang mga na impound na sasakyan sa lto, karamihan dito hindi na tinubos ng mga may-ari, sa ipatutupad na bagong patakaran lahat ng mga mahuhuli gaya ng colorum na sasakyan ay ididiretso na sa Tarlac.
Sang-ayon naman ang ilang motorista sa plano ng DOTr.
Isa lamang ito sa mga hakbang na ginagawa ng Department of Transportation upang ma-resolba ang problema sa traffic sa Metro Manila.
(Mon Jocson / UNTV Correspondent)
Tags: -impound ng Deparment of Transportation sa Tarlac City, batas trapiko, Mga sasakyan ng nakalalabag