METRO MANILA – Tuloy-tuloy pa rin ang pagbuhos ng ulan na naranasan sa ibat ibang bahagi ng bansa nitong weekend dahil sa habagat na pinalakas ng bagyong Fabian.
“Dahil nga sa patuloy na hila ng bagyong Fabian sa ating habagat nagkakaroon ng malalakas na pag-ulan sa malaking bahagi ng ating bansa, nagdulot ito ng maraming insidente ng pag-baha at meron din mga naganap na landslide lalo na diyan sa kabundukan sa Cordillera.”ani NDRRMC Spokesperson, Mark Timbal.
Sa Metro Manila, ilang lokal na pamahalaan ang nagpatupad ng pre-emptive evacuation dahil sa posibleng pagtaas ng tubig baha sa kani-kanilang lugar.
Ayon kay National Disaster Risk Reduction and Management Council Spokesperson Mark Timbal, noong Sabado (July 24) ay umabot sa labing apat na libong indibidwal ang lumikas dahil sa nararanasang pagbaha.
Sa Marikina, agad na nagsagawa ng evacuation nang umabot sa alert level 2 ang water level sa Marikina river.
Inilikas din ang mga residente sa bay side communities sa lungsod ng Maynila partikular na sa baseco at isla puting bato.
Samantala, binuksan naman ng valenzuela lgu ang labintatlong evacuation sites nito kung saan pansamantalang tumutuloy ang mahigit 200 pamilya.
Sa Quezon City naman, inilikas ang mga residente sa mga binahang barangay kabilang na ang mga nakatira sa barangay:
Personal namang nag-ikot si Pasig City Mayor Vico Soto Sa mga evacuation centers upang masigurong natutugunan ang mga pangangailangan ng mga evacuees sa lungsod
Samantala siniguro naman ng NDRRMC ang pag-iingat na ginagawa sa mga evacuation centers upang maiwasan ang hawahaan ng COVID-19.
“Assured naman doon sa evacuation center na kapag doon kayo tumuloy susundin parin ng evacuation center management ‘yung pag-iingat sa physical distancing, ‘yung sanitation sa lugar na ‘yun, disinfection at dapat din kayo mismo bilang mga indibidwal sundin ‘nyo rin ‘yung minimun health standard” ani NDRRMC Spokesperson, Mark Timbal
sa tala ng ndrrmc as of July 25, umabot na sa 19,521 pamilya o 87,493 individuals ang apektado ng mga pag-ulang dulot ng pinalakas na habagat.
(Marvin Calas | UNTV News)
Tags: Bayong Fabian, evacuation