Isinara na kaninang 12:15 ng madaling araw ang Times Street sa Quezon City para sa paghahanda sa paguwi ni outgoing President Benigno “Noynoy”Aquino III sa kanilang tahanan matapos ang anim na taong termino nito bilang pangulo ng bansa.
May mga dilaw na ribbon ma simbolo daw ng administrasyong Aquino ang na nakalagay sa mga gate at sa mga bakod.
Isang malaking dilaw na tarpaulin na may nakasulat na “Welcome Home PNoy” ang sasalubong kay pangulong Aquino na inihanda ng West Triangle kapitbahay movement, mga kapitbahay at pamilya nito
Newly renovated din ang bahay ng magbabalik sibilyan na pangulo.
Nakahanda na rin ang mga kasambahay nila sa pagasikaso sa kaniya.
All set na ang entablado na pagdarausan ng programa ng welcome party na inihanda ng mga supporters ni Aquino.
Nakaposte na ang mga pulis para sa seguridad sa paligid ng Times Street at sa harap ng mismong bahay ng mga Aquino para sa posibleng pagdagsa ng mga supporters at rallyista na sasalubong sa outgoing president.
Naka-standby din ang ilang riot gear gaya ng helmet at proteksyon sa katawan na gagamitin ng pulis sakaling magkaroon ng tensyon o kaguluhan.
Pagkatapos ng programa mamayang alas kuatro ng hapon ay magiging passable na muli ang Times Street.
(Reynante Ponte/UNTV Radio)