Mga residente sa ilang mga bahaing lugar sa Malabon at Navotas, nangangamba sa pagpasok ng tag-ulan

by Radyo La Verdad | May 25, 2016 (Wednesday) | 4025

MACKY_TAG-ULAN
Inanunsyo ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration o PAGASA ang pagpasok ng tag-ulan sa bansa.

Dahil dito, di maiwasan ng ilan nating mga kababayan na nakatira sa mga mababang lugar at nasa tabi ng mga ilog ang posibleng maranasang pagbaha sa pagpasok ng wet season.

Gaya na lamang ni Aling Rebecca na nakatira sa Baragay Tañong, Malabon City nakatira si Aling Rebecca.

Kaunting buhos lang ng ulan ay bumabaha na aniya sa kanilang lugar.

Kapag tagulan, hindi na rin nila mapakinabangan ang ibaba ng kanilang bahay dahil puno na ito ng tubig.

Si Salvacion naman, sanay na daw sya sa baha sa Navotas subalit takot itong maulit ang naranasang baha ng tumama ang Bagyong Pedring noong 2011 kaya lagi na anila silang naghahanda tuwing tag-ulan.

Sa Brgy. Bagumbayan naghanda na ng mga rescue equipments tulad ng salbabida at bangka.

Samantala, nananawagan naman ang ilang residente sa Brgy. 93 sa Caloocan City na sana ay tapusin na ang ginagawang road construction sa kanilang lugar dahil posible pa umano itong makaabala sa kanila at magdulot ng mas matinding pagbaha kung hindi matatapos gawin.

(Macky Libradilla / UNTV Correspondent)

Tags: , , , ,