Mga residente sa ilang barangay sa Opol, Misamis Oriental, lumikas dahil sa presensya umano ng mga NPA sa kanilang lugar

by Radyo La Verdad | August 9, 2017 (Wednesday) | 4838

Mahigit tatlongdaang residente mula sa apat na barangay ng bayan ng Opol sa Misamis Oriental ang nananatili ngayon sa Opol Elementary School.

Ayon sa mga ito, natatakot silang maipit sa bakbakan na posibleng sumiklab dahil sa presensya ng nasa limampung hinihinalang myembro ng New People’s Army na namataan sa lugar.

Ayon kay Municipal Disaster Risk Reduction Management Officer Engr. Romel Lunoy, Lunes ng hapon nila sinimulang ilikas ang mga residente mula sa mga barangay ng Cauyonan, Nangcaon, Tingalan, Limonda.

Ngunit nasa dalawang libo pa ang kailangang i-evacuate. Kahapon ay nagdeklara na ng state of emergency ang lokal na pamahalaan ng Opol upang agad na mabigyan ng ayuda ang mga apektadong residente.

Tiniyak naman ng pulisya na nakikipagtulungan na sila sa militar upang ma-clear ang area.

 

(Victor Cosare / UNTV Correspondent)

 

 

 

Tags: , ,