Mga residente sa Bakun Benguet pinag-iingat sa posibleng muling pagguho ng lupa

by Radyo La Verdad | September 8, 2015 (Tuesday) | 4524

BENGUET
Pinag-iingat ng Mines and Geosciences Bureau Cordillera ang mga residente sa Buagi Poblacion, Bakun Benguet dahil posibleng masundan pa ang nangyaring landslide sa lugar noong nakaraang linggo.

Paliwanag ng MGB Cordillera, dahil malambot na ang lupa dahil sa nangdaan pag-ulan maaaring bumigay ang lupa sa paligid ng bundok kapag muling umulan sa probinsya.

Matatandaan na 20 bahay ang nasira dahil sa nangyaring pagguho ng lupa sa lugar bunsod ng walang tigil na pag-ulan dahil sa epekto ng habagat.

Sa isinigawang pagsisiyat kahapon ng MGB Cordillera sa lugar, nakitaan na din ng ilang cracks o bitak ng lupa ang Bakun National High School at iba pang instraktura sa lugar.

Sinabi pa ng MGB na hindi talaga angkop na pagtayuan ng bahay ang lugar dahil nasa tabi ito ng bangin at malambot umano ang lupa dito.

Sa ngayon naghahanap na ang lokal na pamahalaan ng Benguet ng relocation site para mga residente. (Bradley Robuza / UNTV Radio )

Tags: