Mga rescuer na maaaring rumesponde sa isang malakas na lindol sa metro manila, 30% – MMDA

by Radyo La Verdad | June 10, 2016 (Friday) | 1389

METRO-01
Hinikayat ng Metropolitan Manila Development Authority ang lahat na seryosohin ang isasagawang shake drill sa June 22 upang makapaghanda at malaman ang mga dapat gawin kapag tumama ang malakas na lindol.

Ito ay dahil ayon sa MMDA sa panahon ng malawakang sakuna, malaki ang posibilidad na hindi agad makakaresponde ang pamahalaan at rescue groups.

“Definitely government will not be able to act for several hours in case of an earthquake or movement of the west valley fault we should admit this, we the government are admitting this.” Pahayag ni MMDA Chairman Atty. Emerson Carlos

Sa pag-aaral na ginawa ng MMDA, 30% lamang ng mga rescuer ang maaaring maka responde.

Kaya mahalaga na maka-survive ang mga tao ng labing dalawang oras matapos ang malakas na lindol.

(UNTV RADIO)

Tags: