Mga repatriate sa Wuhan, China, nakauwi na matapos ang 14 day quarantine period sa New Clark City, Tarlac

by Erika Endraca | February 24, 2020 (Monday) | 14213

Nakabalik na sa kani-kaniyang tahanan nitong weekend ang mga Pilipinong isinailalim sa quarantine sa News Clark City.

Kabilang dito ang 10 government personnels mula sa DOH at DFA na umasiste sa mga repatriates at ang ang 9 na crew members ng eroplano.

Walang sinoman sa kanila ang nagpositibo sa Coronavrus Disease 2019 (COVID-19).

Ayon din sa pahayag ng Department of Foreign Affairs (DFA) lahat ng mga repatriate ay binigyan ng clearance na nagpapatunay na sila ay negatibo sa COVID-19. Binigyan rin sila ng financial assistance.

Pinasalamatan naman ng malakanyang ang mga ahensya ng gobyerno at ang mga residente sa Capas Tarlac sa pakikiisa ng mga ito sa kasagsagan ng quarantine period sa ating mga kababayang umuwi ng bansa.

Samantala, pinapayuhan ni World Health Organizaiton (WHO) Country Representative Doctor Rabindra Abeyasinghe ang mga kababayan natin na kahit tapos na na silang isailalim sa quarantine ay magingat pa rin sa kanilang kalusugan.

Iwasan din aniya muna ng mga ito na makihalubilo sa matataong lugar at kaagad kumonsulta sa doktor kapag nakaranas ng kahit na anong sakit.

“But you are also aware of certain reports which claimed a few cases with incubation period of up to 23 days..so the rational thing to advise the repats who completed their 14 days would be to seek medical advice and share information their travel history and their exposure with clinicians if they develop fever or respiratory symptoms within the next two weeks probably.” ani WHO Country Representative Dr . Rabindra Abryasinghe.

(Aiko Miguel | UNTV News)

Tags: , ,