Mga reklamo laban sa mga abusadong towing company, maaari nang isumbong sa i-tow app ng MMDA

by Radyo La Verdad | June 10, 2016 (Friday) | 1498

MON_I-TOW-APP
Mabilis nang mairereklamo ang mga abusadong towing company gamit ang bagong mobile application ng Metropolitan Manila Development Authority.

Kailangan lang pumunta sa i-tow app at i-type ang inyong reklamo saka i-press ang send upang maipadala ang inyong mensahe.

Pwede ring mag-upload ng picture.

Agad itong matatanggap ng mga tauhan ng MMDA Metrobase at gagawan ng kaukulang aksyon ang reklamo.

At upang maseguro na mas mabilis maaksyunan ang sumbong, ang bawat accredited tow truck ng MMDA ay sasamahan ng isang traffic constable.

Ang mga traffic constable ay maaaring sumagot sa mga katangungan at umaksyon sa mga reklamo ng mga motorista.

Mamo-monitor rin ng MMDA ang lokasyon ng lahat ng mga tow truck.

Nilinaw ng MMDA na ang tanging sakop lang ng i-tow app ay ang mga accredited ng MMDA at hindi kasama ang mga towing company ng mga Local Government Unit.

I-download lamang ang Pure Force App sa IOS at android, at dito matatagpuan ang i-tow app ng MMDA.

Bukod dito plano rin ng MMDA na ipaskil sa mga tow truck ang standard rate ng mga towing company upang hindi maloko ang may-ari ng mga hihilahing sasakyan.

Batay sa standard rate ng MMDA, sa mga light vehicles gaya ng kotse at jeep, p1500 ang singil sa unang apat na kilometro sa mga medium vehicles gaya ng truck at bus, p2500 at sa mga heavy vehicle gaya ng container vans at trailers, p4500.

P200 pesos naman ang patak ng metro sa mga susunod na kilometro mula sa lugar na pinaghatakan.

Samantala, uumpisahan na rin ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang pag iinspeksyon sa mga towing company.

Titignan ng LTFRB kung may prangkisa at kung mayroong pagkukulang ng mga operators ng mga towing companies.

(Mon Jocson / UNTV Correspondent)

Tags: , , ,