METRO MANILA – Mas mahigpit ngayong ang pagbabantay sa lahat ng border sa bansa, mula sa paliparan pantalan hangang sa mga boundary ng bawa’t lugar sa Pilipinas.
Ayon sa Dept of Health, napagdesisyunan ito ng pamahalaan upang hindi magaya ang Pilipinas sa ibang mga bansa na dominant na ang Delta variant gaya ng India kung saan ito unang natuklasan.
“Lahat po tayo ngayon nasa heightened alert po lahat. Lahat ng local governments were informed, lahat po ng mga regional offices were informed na kailangan bantayan maigi ang Delta variant across our borders. “ ani DOH Spokesperson Usec Maria Rosario Vergeire.
Ang mahigpit na pagpapatupad na travel ban, testing, quarantine, isolation at mabilis na contact tracing ay mga paraan upang maiwasan ang mabilis na pagkalat ng Delta variant sa Pilipinas.
Ayon pa sa DOH, ang tinutukoy nilang uniform border control ay dapat parehas na ipinatutupad hanggang sa local level ang mandatory 10- day quarantine at 7th day testing sa mga Returning Filipinos.
Subalit tanging ang Cebu province lang ang naiiba dahil ang ipinatutupad nila ay swab testing kaagad pagdating sa naturang probinsya. At 2 araw lang na quarantine period.
“We are going to uphold the directive of the IATF as well as the office of the president. This is because we want to prevent further entry of this Delta variant. We cannot have non-uniformity in the implementation of our border control so iyan po napag- usapan, napagkasunduan, nakausap na rin po ang mga officials, regional directors ng iba’t ibang ahenysa last Saturday” ani DOH Spokesperson Usec Maria Rosario Vergeire.
Nakababahala aniya na kapag kumalat ito, muling pumalo sa libo- libo kaso kada araw lalo na sa NCR Plus areas.
Mapupuno ang mga ospital, kukulangin ng manpower at mga lugar kung saan ilalagak ang mga positibo sa COVID-19.
Ayon pa sa DOH, mataas ang tiyansang ma- ospital ang isang indibidwal na nahawa ng Delta variant kumpara sa ibang uri ng COVID-19 variant.
“Walang sinabi sa mga ebidensyang nakalap natin, even our experts are sayin, walang sinabi na deadly ero sinabi na mas nakakahawa talaga sya. Ang Delta variant is 60% more transmissible than the alpha variant. So ibig sabihin po kung ang alpha variant ay nakapanghahawa ng 4-5 tao per every individual infected, ang delta variant po can have 8 individual infectedsa isang taong may sakit. So ganun kabilis ang pagkakahawa kapag delta variant ang pinag- uusapan” ani DOH Spokesperson Usec Maria Rosario Vergeire.
Batay sa ulat kahapon (June 21), may 40 bagong kaso naman ang naitala ng DOH, up National Institutes of Health at UP- Phil Genome Center.
4 dito ay Delta variant cases, 14 ay Alpha variant cases, 21 Beta variant cases. At 1 Theta variant nguni’t hindi pa variant of concern.
Walang travel history sa India ang mga bagong kaso ng Delta variant nguni’t nagmula ang mga ito sa iba’t ibang dako ng mundo.
“Puro Returning Overseas Filipinos itong ating mga na- detect na individuals with the variants, wala po sa komunidad yan ibig sabihin Pilipinong umuuwi o na- repatriate dito sa Pilipinas and we were able to detect them” ani DOH Spokesperson Usec Maria Rosario Vergeire.
Sa kasalukyan may 17 na Delta variant cases sa Pilipinas. Isa rito ay nasawi mula sa MV Athens noong Mayo. At isang kaso ay nanatiling active case o nagpapagaling pa at may posibilidad pang makapanghawa.
Muling paalala ng DOH, mag- doble ingat at sundin ng responsable ang mga umiiral na health protocols sa Pilipinas upang maiwasang mahawa ng anomang COVID-19 variant lalo na ng Delta.
(Aiko Miguel | UNTV News)
Tags: COVID-19 Variants, DElta Variant