Mga regular taxi, pinayagan nang makapag-operate sa loob ng NAIA

by Radyo La Verdad | July 18, 2016 (Monday) | 1150

MON_PINAYAGAN
Maaari nang magsakay ng pasahero ang mga regular taxi sa lahat ng terminal sa Ninoy Aquino International Airport.

Bagamat may kontrata ang mga accredited airport taxi, kailangan ng pahintulutan ng Manila International Airport Authority ang mga regular na taxi dahil hindi na naa-accomodate ng mga yellow taxi ang dami ng mga pasahero.

Tumutol naman ang Airport Taxi Operators Association, ayon sa kanila limampung porsyento ng bilang ng mga pasahero ang mawawala sa kanila, at sa bandang huli ay tuluyan ng malulugi ang operasyon ng yellow taxi.

Bagamat pinayagan na ng Manila International Airport Authority ang mga regular taxi na mag operate sa loob ng NAIA, mas pinipili pa rin ng ilang mga pasahero na maghintay ng yellow taxi dahil ayon sa kanila mas safe daw sila at hindi daw nagpapadagdag ng bayad ang mga ito.

Dumepensa naman ang ilang operator ng mga regular taxi.

Ayon sa MIAA, mayroon silang paraan upang maiwasan ang pangaabuso ng ilang regular taxi driver.

Masaya naman ang mga mananakay sa ginawa ng MIAA.

Ang bagong sistema ay alinsunod sa kagustuhan ni President Duterte na mawala ang mahahabang pila ng tao lalo na sa mga terminal sa buong bansa.

(Mon Jocson / UNTV Correspondent)

Tags: ,