Simula bukas ay papayagan ng magsakay ng mga pasahero sa Ninoy Aquino International Airport ang mga regular na taxi.
Ayon kay Manila International Airport Authority (MIAA) general manager Ed Monreal, layon ng naturang hakbang na masolusyonan ang mahabang pila ng mga nag-aabang na pasahero at mabigyan ang alternatibong masasakyan ang mga ito.
Nilinaw naman ni Monreal na by batch o depende sa dami ng pasahero ang pagpapasok ng metered taxi sa airport.
Pinaalalahanan din nito ang mga taxi driver na sumunod sa ipinatutupad na patakaran sa paliparan.
(UNTV RADIO)
Tags: Manila International Airport Authority (MIAA) general manager Ed Monreal
The Philippine Broadcast Hub
UNTV, 915 Barangay Philam, EDSA, Quezon City M.M. 1104
Radyo La Verdad © All Rights Reserved 2019
+632 8 442 6254 | Monday – Friday, 8AM – 5PM | info@radyolaverdad.com