Mga reaction sa pagreretiro ni Manny “Pacman” Pacquiao sa boxing, trending sa social media

by Radyo La Verdad | April 11, 2016 (Monday) | 1310

GRACE_REACTION
Muling ipinakita ng Pambansang Kamao Manny “Pacman” Pacquiao ang kanyang galing matapos muling makuha ang kampeonato sa boxing laban kay Timothy Bradley.

Sa simula palang ng laban angat na si Pacman subalit naging agresibo si Bradley sa round 3.

Pagdating ng round 7 napabagsak ni Manny si Bradley at sa round 9 bumagsak uli si Bradley matapos tamaan ng solid left punch.

Bumilib ang mga nanood sa galing at bilis na ipinakita ni Pacman sa kanyang huling laban.

Matapos magdesisyon ni Manny na magreretiro sa boxing bumuhos ang iba’t- ibang reaksyon sa social media.

Ang ilan ay nagsasabing dapat pang ituloy ni Manny ang kanyang boxing career upang patuloy na maipakita sa mundo ang galing ng Pinoy.

Mayroon ding nagsasabing sa kanyang dapat na itong magretiro matapos nag-uwi ng maraming karangalan sa bansa at magfocus na lamang sa kanyang pamilya.

Ayon pa sa ilan, isang magandang pagtatapos ng kayang boxing career ang magandang labang ipinakita niya nang muling talunin sa pangalawang pagkakataon si Timothy Bradley.

Samantala, magpaabot rin ng pagbati ang kanyang mga kasama sa kongreso.

Ayon kay Bayan Muna partylist Rep. Neri Colmenares hindi man siya sangayon sa ilang mga opinion ni Pacman, masaya ito sa pagkapanalo ni Manny.

Binati rin siya ni Cavite Rep. Lani Mercado sa muling pagtataas ng bandera ng Pilipinas.

Maging ang malakanyang ay nagpaabot rin ng pagbati sa Pambansang Kamao sa muling pagpapakita ng galing ng Pilipino.

(Grace Casin / UNTV Correspondent)

Tags: , , ,