Mga raliyista, tatangkaing pasukin ang PICC

by Radyo La Verdad | November 13, 2017 (Monday) | 6248

Naghahanda na ang mga raliyista para sa isasagawa nilang kilos-protesta ngayong araw. Mahigit isang libo at limang daang mga raliyista ang inaasahan na makikiisa upang tutulan ang paglahok ni U.S. President Donald Trump at Japan Prime Minister Shinzo Abe.

Tatangkain makalapit ng mga raliyista na makapasok sa vicinity ng PICC na kung saan nagtitipon ang mga heads of state.

Ban Trump in the Philippines ang kanilang isisigaw mamaya at isang effigy ni President Trump ang nakatakdang sunugin na masaya.

Ayon sa mga raliyista, ang pinaka layunin ng Asian tour ni Trump ay upang isali ang mga naturang bansa sa tinatawag na war rhetorics ng Estados Unidos.

Nais patibayin ng U.S. ang kanilang ka-alysang mga bansa kung sakaling makipag-giyera umano ito sa North Korea.

Nais rin tutulan ng mga militanteng grupo ang umano’y pondong ibibigay ng Estados Unidos sa bansa upang suportahan ang war on drugs campaign ng pamahalaan.

Mayroon daw 9 million dollars na ibinigay ang U.S. na budget para ngayong taong 2017 para sa war on drugs campaign.

Hindi naman pinagbawalan ng pamahalaan ang pagsasagawa ng mga kilos-protesta sa kundisyong hindi manggugulo ang mga ito sa ASEAN.

Nakahanda naman ang PNP na pigilin ang mga raliyista upang hindi makapanggulo sa event ngayong araw.

 

( Mon Jocson / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,