Taon-taon sa State of the Nation Address ni Pangulong Aquino hindi naiiwasan na magkaroon ng girian sa mga raliyista at mga pulis.
Naninindigan ang mga militanteng grupo na makalapit at makapasok sa Batasang Pambansa kung saan idadaos ang SONA.
Ibat ibang uri ng barikada ang inihanda ng MMDA at PNP.
Bukod sa concrete barrier, mayroong barb wire, metal fence at naglalakihang empty container van.
Nakabantay rin ang napakaraming tauhan ng PNP upang masiguro na walang makapapasok na manggugulo sa SONA ng pangulo.
Alas-siete pa lamang ng umaga, nag-martsa na patungong Commonwealth ang ilang maliliit na grupo ng mga raliyista.
Pagdating sa rally area, nagsagawa ng maiksing programa at ilang sandali pa ay sinunog na ang maliit na bersyon ng effigy ng pangulo.
Isang intel naman ng PNP ang nahuli at binugbog ng mga raliyista, nagtamo ng bukol at pasa ang pulis.
Wala pang tanghali, bumuhos ang malakas na ulan subalit hindi napatinag ang mga raliyista, sinuong ang malakas na ulan at sumugod papunta sa barikada ng PNP.
Maya-maya pa, dahil hindi makadaan sa makapal na barikada, humanap ng ibang daan ang mga raliyista, dito na nagsimula ang tensyon sa mga raliyista at PNP
Nagkahampasan at nagkabatuhan ang dalawang grupo, pilit na itinutulak ang container van upang makadaan sa kabilang kalye
Binombahan ng tubig ang mga raliyista upang itulak ito pabalik sa loob ng rally area
Bandang hapon ng dumating ang mas malaking grupo ng mga Aktibista, bagamat umaambon hindi napatinag ang mga ito
Ang bago ngayon, hindi lang effigy ni Pangulong Aquino ang bitbit ng mga militante kundi nakasakay pa ang effigy sa bagon ng MRT.
Matapos ang programa, sinubukan na namang tumawid ng mga raliyista subalit napigil ito ng mga tauhan ng PNP
Alas kwatro ng hapon ng sunugin ang effigy kasabay ng paghahatid ni Pangulong Aquino na kanyang talumpati.
Tags: MMDA, Pangulong Aquino