Mga PUV driver na hindi nagbibigay ng diskwento sa pamasahe, hinuli ng I-ACT

by Radyo La Verdad | June 21, 2018 (Thursday) | 6322

Hinuli ng Inter-Agency Council for Traffic (I-ACT) team Bravo ang mga pasaway na driver ng pampublikong sasakyan sa Maynila kahapon.

Ang mga ito ay hindi nagbibigay ng diskwento sa pamasahe ng mga estudyante, may kapansanan at senior citizens.

Sorpresang nag-inspeksyon ang grupo bilang bahagi ng “balik eskwela, balik diskwento drive.”

Mahigit limampung driver ang nasita at na-isyuhan ng ticket dahil sa hindi pagbibigay ng karampatang diskwento at hindi paglalagay ng fare matrix na dapat ay nakikita ng pasahero.

Babala ng ahensya sa mga pasaway na driver, papatawan ang mga ito ng karampatang parusa kapag napatunayang hindi nagbibigay ang mga ito ang diskwento.

Pinaaalalahanan din ng I-ACT ang mga estudyante, PWD at katandaan na karapatan nilang mabigyan ng diskwento sa pamasahe.

Hinimok din sila ni Argano na isumbong ang mga driver na hindi sumusunod dito.

 

( Asher Cadapan Jr. / UNTV Correspondent )

Tags: , ,