Mga pulis sa CALABARZON na nadestino sa Mindanao noong eleksyon, nakabalik na

by Radyo La Verdad | May 12, 2016 (Thursday) | 2315

SHERWIN_NAKABALIK
Apat na araw na nadestino sa Autonomous Region of Muslim Mindanao ang isang daan at labingdalawang miyembro ng Regional Public Safety Batalion ng PRO 4A.

Ito ay upang tumulong sa seguridad ng mga botante at ng mga guro na tumatayong Board of Election Inspector laban sa banta ng mga armadong grupo sa katatapos na botohan.

Kabilang ang ARMM na may mga lugar na walang mga guro na tumayong BEI noong eleksyon dahil sa takot kung kaya’t mga pulis ang humalili sa kanilang posisyon.

Nakabalik na sila kagabi sa Camp Vicente Lim sa Laguna bitbit ang hindi makakalimutang karanasan nitong nagdaang halalan.

Tatanggap ng pagkilala ang mga miyembro ng RPSB sa Lunes dahil sa ipinakita nilang kabayanihan nitong nakaraang eleksyon.

Sa ngayon binigyan muna ng tatlong araw na bakasyon ni PCSupt. Ronald Santos ang isang daan at labindalawang pulis matapos silang madestino sa Mindanao.

(Sherwin Culubong / UNTV Correspondent)

Tags: , , ,