Mahigpit na babantayan ng mga pulis ang mga bata sa eskwela sa unang dalawang linggo ng pasukan.
Ayon kay Philippine National Police Deputy Chief for Operations PDDG Danilo Constantino, naglagay sila ng mga police assistance desk sa labas ng mga paaraan na maaaring lapitan ng mga mag-aaral kung mayroong problema.
Tatlong shift ang mga pulis na nagbabantay at hindi aalis ang mga ito hangga’t may mag-aaral sa loob ng eskwelahan.
Bukod aniya sa mga pulis, mayroon din mga force multiplier na sya namang namamahala sa daloy ng trapiko.
Maging ang PNP Anti-Illegal Drugs Group ay nagpakalat na rin ng mga operatiba para sa kanilang intelligence gathering upang napigilan ang “libreng tikim” na modus ng mga sindikato ng droga at maging ang bentahan ng illegal drugs tuwing pasukan.
Kaya naman payo ng PNP sa mga estudyante, wag makikipag usap, o tatanggap ng ano man pagkain at wag basta basta sasama sa mga hindi kilala upang maiwasang mabiktima ng mga masasamang loob na nananamantala.
(Lea Ylagan / UNTV Correspondent)
Tags: Dalawang linggo, Mga pulis na nagbabantay, paligid ng eskwelahan