MANILA, Philippines – Inatasan ni PNP Chief Police General Guillermo Lorenzo T Eleazar ang all units commanders sa National Capital Region ngayon Oktobre 19, na dagdaganan ang pagkakaroon ng mga pulisya sa mga pampublikong lugar na pupuntahan ng ating mga kababayan.
Ang kautusang ito bilang tugon sa pag apela ng Deapartment of Health (DOH), na ipagpatuloy ang pagpapatupad ng minimum public health safety protocol matapos dagsain ng mga tao ang mga simbahan, mall, parke at iba pa dahil sa pagbaba sa alert level 3 ang Metro Manila.
Kasama sa mga kautusan ni PGen Eleazar ang koordinasyon ng mga LGUs sa Metro Manila, upang maayos na maipatupad ang minimum public health safety protocols at iba pang mga restriction na ipapatupad sa NCR.
“Natutuwa kami sa PNP na kahit paano ay bumabalik na sa normal ang sitwasyon sa ating bansa subalit hindi dapat maging dahilan ito para tayo ay maging kampante at balewalain ang health safety protocols dahil kung hindi, ang panandaliang kaligayahan na ating nararamdaman ngayon ay mauuwi na naman sa matagal na lockdown,” ani PGen Eleazar.
(Zy Cabiles | Laverdad Correspondent)