Mga pulis na lumalabag sa karapatang pantao, bumaba simula noong 2014 – PNP

by Radyo La Verdad | March 29, 2017 (Wednesday) | 8181


Ipinagmalaki ng Philippine National Police Human Rights Affairs Office ang pagbaba ng kaso ng paglabag sa karapatang pantao ng mga pulis.

Base sa datos ng PNP-HRAO, nakapagtala sila ng 174 na kaso noong 2014 habang 131 naman noong 2015 at 105 noong 2016.

Subalit kailangan nilang magbantay ngayong 2017 lalo na’t sa unang 2 buwan pa lamang ng taon ay nakapagtala na sila 56 na kaso.

Karamihan sa mga paglabag ay kinabibilangan ng homicide, illegal at arbitrary detention, unlawful arrest at rape.

Kaya naman naglilibot ngayon ang PNP-HRAO sa mga rehiyon na may mataas na paglabag na kinabibilangan ng Regions 1, 7 at NCR.

Ang pinakamataas namang ranggo na naitalang lumabag sa human rights ay police superintendent sa Police Commissioned Officer at Senior Police Office 4 o SP04 naman sa police non- commissioned officer.

Patuloy ring namimigay HRAO ng mga pulyetos na naglalaman ng Miranda rights sa mga pulis.

(Lea Ylagan)

Tags: , ,