Mga pulis na kabilang sa pinangalanan ni President Duterte, inalis na sa pwesto

by Radyo La Verdad | August 9, 2016 (Tuesday) | 6065

DELA-ROSA
Hindi napigilan ni PNP Chief PDG Ronald dela Rosa ang galit nang makaharap ang 32 sa 95 pulis na pinangalanan ni President Rodrigo Duterte na sangkot umano sa iligal na droga.

Sa 32, 15 ang opisyal kung saan senior superintendent ang pinakamataas na ranggo, 16 ang police non-commissioned officer at 1 retired.

Kinumpirma ng internal affairs service na inalis na ang mga ito sa pwesto at inirekomenda na ring alisan ng service firearms.

Isinalang din ang mga ito sa drug test.

Hindi naman pakawawalan ng PNP ang number 2 drug lord ng Central Visayas na si Franz Sabalones na binitbit ng kanyang kapatid na vice mayor.

Dagdag pa nito, P200 libong piso ang protection money na ibinibigay ni Sabalones sa isang police colonel sa Cebu.

Dagdag pa ni Gen. Dela Rosa, seryoso sya sa kampanya laban sa ilegal na droga at hindi sya titigil kahit na ikamatay pa nya ito.

(Lea Ylagan/UNTV Radio)

Tags: , ,