Mga pulis na iligal na magpapaputok ng baril kasabay ng pagpapalit ng taon, binalaan ng PNP

by Radyo La Verdad | December 13, 2016 (Tuesday) | 1123

joan_pnp
Mahaharap sa kasong grave miscounduct at criminal liability ang sinumang tauhan ng Philippine National Police na lalabag sa kautusan laban sa indiscriminate firing sa pagpapalit ng taon.

Ayon kay PNP Spokesperson PSSupt. Dionardo Carlos, hindi nila kukunsintihin ang mga kasamang hindi susunod sa patakaran.

Kaugnay nito, muli namang hinikayat ng PNP ang publiko na isumbong sa kanilang tanggapan ang sinomang iligal na magpapaputok ng baril kasabay ng pagpasok ng taong 2017.

Maaaring tumawag sa hotline 911 o magtext sa PNP txtline 2286.

Tiwala ang PNP na hindi tataas ang kaso ng indiscriminate firing kasunod ng utos ni PNP Chief Ronald Dela Rosa na huwag selyuhan ang mga baril ng mga pulis ngayong taon upang ipakita sa publiko na disiplinado at prupesyunal ang kanilang mga tauhan.

(Joan Nano / UNTV Correspondent)

Tags: ,